Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19, pumalo na sa 8,500 – DFA

Nasa 32 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang July 1, umakyat na sa 8,506 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 60 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 2,821 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

5,131 naman ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Samantala, 554 na ang pumanaw na Filipino abroad dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 6,196 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,009 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 695 naman ang kaso sa Americas at 606 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...