Top 4 most wanted person sa Tondo, Maynila arestado

Timbog ang Top 4 Most Wanted Person sa Tondo, Maynila Martes ng hapon (June 30).

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli ng ang suspek na si Marvin Perez, 28-anyos, sa bisa ng arrest warrant at manhunt operation.

Ikinasa ang operasyon sa bahagi ng Mayhaligue Street corner Antonio Rivera Streer bandang 2:05 ng hapon.

Nahaharap ang suspek sa kasong robbery.

Inilabas ni Honorable Judge Anne Liwliwa Hidalgo – Bucu ng Regional Trial Court Branch 24 sa Maynila ang arrest warrant laban kay Perez noong November 26, 2019.

Sa ngayon, nananatili ang suspek sa kustodiya ng Jose Abad Santos Police Station Custodial Facility habang hinihintay ang commitment order.

Read more...