Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:22 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Cavite, Laguna at Batangas.
Uulanin din ang Santa Cruz, Zambales; Quezon sa Tagkawayan, Calauag, Mulanay at San Narciso.
Sinabi ng weather bureau na posibleng maranasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente sa nabanggit na lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
READ NEXT
Roque, kinantyawan dahil sa pahayag na natalo ng Pilipinas ang prediksyon ng UP sa COVID-19 cases
MOST READ
LATEST STORIES