Roque, kinantyawan dahil sa pahayag na natalo ng Pilipinas ang prediksyon ng UP sa COVID-19 cases

Photo grab from PCOO Facebook video

Nakatikim ng kantyaw mula kay Bayan Muna partylist Rep. Eufemia Cullamat si Presidential spokesperson Harry Roque matapos sabihing natalo ng Pilipinas ang forecast ng mga eksperto ng University of the Philippines na aabot ng 40,000 ang kaso ng COVID-19 hanggang katapusan ng Hunyo.

Sabi ni Cullamat, hindi na nahiya si Roque sa kanyang pahayag.

Napaka-insensitive aniya ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte habang buong galak pang sinasambit ang naturang pahayag.

Paalala ng kongresista kay Roque, patuloy sa pagtaas ang Coronavirus Disease sa Pilipinas at sa katunayan ay pangatlo ang bansa sa pinakamataas sa Southeast Asia, at pangalawa sa nagtatala ng pinakamaraming casualty sa COVID-19.

Kung pagbabasehan rin aniya ang tracker ng Department of Health, hanggang noong June 28 ay nasa mahigit 46,000 na indibidwal ang positibo sa virus kung saan 36,438 ang validated.

Pasaring pa ng mambabatas, tila hirap nang lunukin ng administrasyon ang katotohanan na napakarami pa ring backlog sa COVID-19 testing.

Read more...