Ayon sa post sa Facebook ng Safe City Task Force ng Taguig, mas dapat pahalagahan ang kaligtasan at buhay ng mga residente kaysa sa kita ng mga non-compliant establishments.
Sinabi ng Task Force na nilinaw naman nito sa umpisa pa lamang na papatawan ng temporary closure ang mga establisyimento na hindi susunod sa pagpapatupad ng health protocols.
Paalala ng Task Force, kailangang maging responsable ang lahat ng mga may-ari ng negosyo para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.
MOST READ
LATEST STORIES