Zapote 1 sa Bacoor City isinailalim sa lockdown

Isinailalim sa lockdown ang Zapote 1 sa Bacoor City, Cavite.

Sa abiso ng Bacoor City Local Government Unit, simula alas 12:00 ng tanghali ngayong araw, July 1 ang pag-iral ng lockdown.

Tatagal ang lockdown hanggang sa alas 5:00 ng umaga ng July 14.

Habang nakalockdown ay magsasagawa ng testing sa mga residente.

Isasailalim din sa disinfection ang lugar.

 

 

 

Read more...