Pilipinas hindi nag-aangkat ng pork products sa China

Tiniyak ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Department of Agriculture (DA) na hindi nag-aangkat ng pork products mula sa China ang Pilipinas.

Pahayag ito ng DA-BAI kasunod ng mga balita na mayroong bagong uri ng swine flu na nadiskubre sa China.

Sa nasabing ulat, ang virus ay galing sa H1N1 strain na nagdulot na ng pandemic noong 2009.

Maari umanong maipasa ang virus mula hayop patungo sa tao, pero hindi pa nagkakaroon ng katibayan sa pagkakaraoon ng human to human transmission.

Paalala naman ng DA sa mga nag-aalaga ng baboy, ngayong panahon na ng tag-ulan tumataas talaga ang flu-like symptoms sa mga alagang baboy.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga magbababoy na agad iulat sa BAI kung may hindi pangkariwang pagkasawi ng kanilang alaga.

Maaring ireport ang swine disease incidence sa DA–BAI Hotline na 0995132933 o 09208543119.

 

 

Read more...