Aktres na si Ryza Cenon inanunsyo ang pagbubuntis

Buntis sa kaniyang first baby ang aktres na si Ryza Cenon.

Sa kaniyang Instagram ibinahagi ng aktres ang larawan na kita ang kaniyang baby bump.

“It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way. #prayeranswered #Godsgift #newjourney,” nakasaad sa caption.

Naka-tag din sa post ang kaniyang boyfriend na si Miguel Antonio Cruz na isang cinematographer.

Ayon kay Cenon, siya ay limang buwan nang buntis.

 

 

Read more...