Sa abiso ng Cebu Provincial Government, simula ngayong araw July 1 hanggang sa July 3 ay suspendido ang person-to-person transactions sa kapitolyo.
Ito ay para bigyang daan ang full disinfection protocol sa pasilidad.
15 empleyado ng Cebu capitol ang nagpositibo sa COVID-19, 12 sa kanila ay residente ng Cebu City, habang ang dalawa ay mula sa Mandaue City at isa sa Talisay City.
Ayon pa sa pahayag, nanatiling infection-free ang kapitolyo noong unang pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu City.
Pero nang isailalim na sa GCQ ang lungsod at pinayagan nang makapasok sa trabaho ang mga empleyado ay doon na nagkaroon ng mga kaso.