Base sa inihaing House Bill 7042, sinabi ni Salo na maraming kasal ang naudlot dahil sa pagbabawal sa mass gatherings at pagpapatupad ng physical distancing.
Nakasaad sa panukala na base sa sa Family Code, kailangan na humarap ang mga ikakasal sa solemnizing officer at ideklara na kusang-loob nilang tinatanggap ang bawat isa bilang asawa.
Dapt aniya itong maamyendahan para maisama ang virtual presence kung saan dapat magkasama pa rin sa iisang lugar ang ikakasal pero maaaring hindi na personal ang presensya nila sa magkakasal.
Para matiyak naman na authentic ang certificate of marriage, dapat ipa-notaryo ito bago iparehistro sa local civil registrar.
Ang virtual marriages sa pagitan ng mga Pilipino sa abroad ay maaaring isagawa ng Consul-General, Consul o Vice-Consul ng Pilipinas o kahit ng mga pari o religious leaders na nasa Pilipinas.