LSIs pinatitipon ni Pangulong Duterte; pagkain at tirahan sasagutin ng pangulo

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Interior Secretary Eduardo Año na ipunin ang lahat ng mga locally stranded individuals (LSIs) na nasa airport at iba pang lugar at dalhin sa isang lugar para sa maayos na matutuluyan.

Ayon sa pangulo, aakuin na niya ang gastusin sa titirhan pati na ang pagkain ng mga LSI.

Pero ayon sa pangulo, huwag nang umasa ang mga LSI ng pagkain ng mga masasarap kundi ang nga katulad lamang sa karenderya.

May krisis aniya na kinakaharap ang bansa ngayon kung kaya dapat na maging matipid ang gobyerno.

Kasabay nito, inatasan din ni pangulong Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade na alisin ang mga restaurant sa harap ng NAIA.

Dismayado ang pangulo dahil wala nang maupuan ang mga pasahero.

Kung may pagkakataon aniya si Tugade na i-terminate na ang kontrata ng nga restaurant, kaniya itong ipate-terminate na.

Dapat aniyang palitan ang mga restaurant ng nga upuan para may mapwestuhan ang mga pasahero lalo na ang mga buntis at may mga kasamang bata at matatatnda.

 

 

Read more...