Ilang establisyimento sa Antipolo City ipinasara dahil sa paglabag sa health protocols

Ilang business establishments sa lungsod ng Antipolo ang ipinasara ng Business Permit Licensing Office (BPLO) matapos matuklasan na hindi nagpapatupad ng minimum public health protocols.

Sa isinagawang surprise inspection, nahuli sa akto ng mga kawani ng BPLO na walang thermal scanning, walang sanitizers o disinfectants, walang suot na face masks at hindi nakakasunod sa physical distancing ang ilang mga establisyimento.

Ipinasara lamang ang mga establisyimento gaya ng mga tindahan at hindi naman pinatawan ng multa.

Maari din silang makabalik sa operasyon kung mapapatunayan nila na makakasunod na sila sa mga precautionary measures.

 

 

Read more...