Mahigit 600 pang OFWs umuwi sa bansa kahapon

Mahigit 600 pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa bansa Martes (June 30) ng gabi.

Sa nasabing bilang 322 na Pinoy ang dumating sa Clark International Airport sakay ng
Emirates Airlines flight EK2572 galing Dubai.

Mayroon ding 329 na OFWs na dumating sa NAIA galing din ng UAE lulan ng special flight ng Etihad.

Sumailalim sa swab test ang lahat ng bagong uwing OFWs.

Agad silang pauuwiin sa sandaling mag-negatibo sa test.

 

 

Read more...