353 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Cebu City

Umabot na sa mahigit 5,400 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Cebu City.

Kahapon nakapagtala pa ng 353 na dagdag na bagong kaso sa lungsod.

Dahil dito sumampa na sa 5,494 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.

Sa nasabing bilang, 2,723 ang mga gumaling na. Ito ay makaraang makapagtala ng 10 bagong recoveries.

Habang 2,602 pa ang aktibong kaso.

Nanatili naman sa 169 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

 

 

Read more...