“In this time of pandemic, we should also ensure that mental health is valued, promoted and protected. Aside from physical health, ‘yung mental health, napaka-importante rin po,” ayon sa senador.
Sinabi nito na dahil sa pandemiya dulot ng COVID 19, marami na sa mga Filipino ang naapektuhan na rin ang pag-iisip.
Aniya, ang social distancing at self-isolation ay maaaring magdulot ng kalungkutan at takot sa mga tao na maari namang maging ugat ng anxiety at stress.
“Marami pong nade-depress dahil sa sitwasyon ngayon. In fact, nakakalungkot ang mga OFWs natin, napakatagal na napalayo sa kanilang pamilya. Alam ninyo, hindi nababayaran ‘yung lungkot. Napakahirap mapalayo sa pamilya,” diin ng namumuno sa Health Committee ng Senado.
Una nang sinabi ni Social Welfare Secretary Roland Bautista na may 150 indibiduwal na ang sumailalim sa kanilang online psychosocial counseling.