Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, 709 na

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (June 30), 709 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

697 pulis ang itinuturing na probable cases habang 1,087 ang suspected cases.

Umabot naman sa 346 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Nasa siyam pa rin ang pulis na pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...