Petron, magpapatupad ng taas-presyo sa LPG epektibo sa July 1

Nag-anunsiyo ang kumpanyang Petron ng ipatutupad na taas-presyo sa kanilang Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Ayon sa kumpanya, magkakaroon ng dagdag na P0.50 sa kada kilo ng produktong LPG.

Epektibo ang rollback bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (July 1).

Magkakaroon din ng dagdag-presyo ang autoLPG ng P0.30 sa kada litro.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of July,” dagdag pa ng kumpanya.

Read more...