31 barangay sa Maynila, isasailalim sa 48 oras na hard lockdown

Isasailalim sa hard lockdown ang 31 barangay sa Lungsod ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, 48 oras ilalagay sa hard lockdown ang 31 barangay sa lungsod.

Magsisimula ang lockdown bandang 12:00, Miyerkules ng madaling-araw (July 1) hanggang 11:59, Huwebes ng gabi (July 2).

Sinabi ni Moreno na layon ng lockdown para magsagawa ng disease surveillance, testing operations at rapid risk assessment kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19.

Read more...