COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 962 na

Pumalo na sa 962 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Martes ng hapon (June 30), 16 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa 962, 210 ang aktibong kaso.

152 ang itinuturing na probable cases habang 790 ang suspected cases kung saan 3,682 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 14 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 686 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nasa 66 na residente ng Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...