Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (June 30, 3:00 PM) nakapagtala ng 84 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,526 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 626
Laguna – 776
Batangas – 319
Rizal – 645
Quezon – 160
Nasa 1,317 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 63 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 237
Laguna – 459
Batangas – 196
Rizal – 298
Quezon – 127
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng isa kaya ito ay umabot na sa 195.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 40
Laguna – 43
Batangas – 30
Rizal – 71
Quezon – 11
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay