Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 357

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Martes, June 30) pumalo na sa 357 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus kung saan 3 ang nadagdag.

Sa nasabing bilang, 157 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay nanatili sa 31.

Nasa 169 naman ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit.

Read more...