Enrollment sa public schools sa bansa, pinalawig hanggang July 15

Pinalawig ng Department of Education (DepEd) ang enrollment sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon sa kagawaran, magpapatuloy ang remote at drop box enrollment hanggang sa araw ng Miyerkules, July 15.

Sakop nito ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 12 na papasok sa pampublikong paaralan.

Sa August 24, itinakda ng DepEd ang pagsisimula ng klase sa Pilipinas.

Read more...