Ayon sa Cebu Provincial Government, ipatutupad ang essential skeletal staffing at suspensyon ng person-to-person transactions nang tatlong araw.
Inirekomenda ni IPHO Chief Dr. Christina Giango na pansamantalang magpatupad ng work from home setup sa mga empleyado para ma-disinfect nang maayos ang gusali.
Patuloy pa rin namang ide-deploy ang Integrated Provincial Health Office (IPHO), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Civil Security Unit (CSU) habang isinasagawa ang disinfection.
Sa ngayon, umabot na sa 15 empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 12 ay mga residente sa Cebu City; dalawa mula sa Mandaue City; at isa sa Talisay City.