Dalawa sa bagong tinamaan ay mula sa Naga City at close contact ng mga pasyente na may local code na Bicol#91 at Bicol#92.
Kapwa asymptomatic ang dalawa at kasalukuyang nakasailalim sa quarantine.
Ang ikatlong kaso naman ay nakatira sa Sorsogon City at may travel history sa Cebu City.
Unang nakaranas ang pasyente ng mga sintomas ng COVID-19 noong June 21 at naka-confine ngayon sa pagamutan.
Isang 83-anyos na babaeng Filipino mila sa Gubat, Sorsogon ang ika-114 kaso ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Mayroon itong travel history sa Quezon City at na-admit sa Metro Health Hospital sa Sorsogon.
Nasawi ang pasyente noong June 29 at nakumpirmang positibo ito sa sakit base sa lumabas na test result sa June 30.
Dahil dito, umabot na sa 114 ang kumpirmadong kaso ng pandemya sa Bicol region.
Sa nasabing bilang, 30 pa ang aktibong kaso.