Kaso ng COVID-19 sa Las Piñas City, 479 na

Nasa 479 na ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Las Piñas City.

Sa datos ng Las Piñas City Health Office hanggang June 30, 113 na nasabing bilang ang aktibong kaso.

Pinakamaraming naitalang kaso sa Barangay C.A.A. – B.F. Int’l na may 51 cases.

Nasa 49 residente sa lungsod ang itinuturing na probable case habang 57 ang suspected cases.

Samantala, 324 pasyente sa Las Piñas ang gumaling na sa COVID-19.

34 namang residente ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...