361 COVID-19 patients sa bansa, makikiisa sa solidarity trial ng WHO

Aabot sa 361 na pasyente ng COVID-19 mula sa 26 na ospital sa bansa ang nakikiisa sa solidarity trial ng World Health Organization (WHO) para sa paghahanap ng gamot.

Base sa ika-14 weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, sinabi nito na naglaan ang pamahalaan ng halos P30 milyon para sa isang taong proyekto.

Gagamitin ang naturang pondo para sa 500 pasyente.

Samantala, iniulat din ng pangulo na nakapag-hire na ang pamahalaan ng mahigit 4,000 na healthcare workers para sa COVID-19.

Una nang inaprubahan ng pangulo ang pagkuha sa 8,555 na healthcare workers sa ilalim na rin ng “Bayanhinan to Heal as One Act.”

Read more...