262 na seafarers mula Barbados dumating sa bansa ngayong araw

Mayroong 262 pang Filipino seafarers ang dumating sa bansa ngayong Martes, June 30.

Ayon sa abiso ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy ay dumating sa Clark International Airport galing ng Barbados.

Lulan sila ng Qatar Air flight QR930.

Kinuhanan ng swab test ang mga Pinoy na pansamantalang mananatili sa quarantine facility sa Clark habang hinihintay ang resulta ng kanilang test.

Sa sandaling mag-negatibo na sa test ay agad silang pauuwiin.

 

 

Read more...