Paiiraling bagong quarantine measures iaanunsyo ni Pangulong Duterte ngayong araw

Martes (June 30) ng gabi iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paiiraling bagong quarantine measures sa bansa.

Sinabi ito ni Presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng nakatakdang pagkapaso na mamayang gabi ng umiiral na community quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kasabay nito, umapela si Roque sa publiko na hintayin ang magiging anunsyo ng pangulo at iwasan ang magpkalat ng mga hindi kumpirmadong mga balita.

Una nang sinabi ng Inter Agency Task Force na mayroon na silang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

 

 

 

Read more...