Mahigit 29,000 na umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19

Simula noong June 12 hanggang kahapon, June 29 ay mayroong mahigit 21,000 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroon pang 29,558 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/3icgoux

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

 

 

 

Read more...