Sen. Joel Villanueva sinabing hindi kawalan ang POGOs sa Pilipinas

Dahil wala naman naidulot na maganda sinabi ni Senator Joel Villanueva na makakabuti pa sa bansa na nag-aalisan na ang Philippine offshore gaming operators o POGOs.

Aniya ang napapa-ulat na paghinto ng POGOs dahil sa isyu sa pagbabayad sa buwis ay patunay lang na halos walang naiambag ang mga ito sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Villanueva sa tuwing pinapansin nila ang mga paglabag sa mga batas ng POGOs, tila dumidipensa pa ang gobyerno at nakikiusap sa mga ito na sumunod.

Diin ng senador inaksaya ng POGOs ang lahat ng oportunidad na ibinigay sa kanila at aniya hindi dapat pinapatuloy sa Pilipinas ang mga negosyong walang balak sumunod sa ating mga batas.

Samantala, halos ganito din ang posisyon ni Sen. Risa Hontiveros at aniya hindi kailangan ng bansa ang isang industriya na nagiging ugat ng mga krimen.

Sinabi din ni Hontiveros na dapat ay tulungan na lang ng gobyerno ang kabuhayan ng 30,000 natin kababayan na apektado ng paglayas ng POGOs.

Nagkaisa naman ang dalawang senador na kahit paalis na dapat pa rin pagbayarin ang POGOs sa kanilang bilyon-bilyong pisong utang sa buwis.

 

 

Read more...