Ayon kay Herrera, napakahalaga ng laptop sa pagtuturo ngayon ng mga guro dahil sa lilipat na sa distance at blended learning program ang Department of Education (DepEd) bilang tugon sa COVID-19 pandemic.
Kailangan aniyang matiyak ng pamahalaan na may magagamit ang mga guro na basic technology tool sa online teaching tulad ng laptop na makakatulong din sa pagpapalakas ng curriculum, extensive research opportunities, access sa up-to-date na mga impormasyon at iba pang learning benefits.
Nauna namang inihayag ng DepEd na mangangailangan ng P27 Billion na pondo para maibigay sa mga public school teachers ang kinakailangang laptop sa pagtuturo.
Sa 880,000 na mga teaching personnel sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, 190,574 dito o 22% ng mga guro ang mabibigyan ng laptop hanggang sa katapusan ng taon.
Hiniling ni Herrera na ang natitirang 680,000 na mga guro ang siyang isama para sa pondo sa laptop sa pambansang pondo sa 2021.