Japanese firm sa Clark nakagagawa na ng 10 milyong face masks kada buwan

Nakapagpo-produce na ng 10 milyong face masks kada buwan ang isang Japanese company sa Clark.

Naabot na ng Yokoisada (Phils.) Corporation ang maximum capacity sa pagproduce ng face masks noong buwan ng Mayo at ngayong buwan ng HUnyo.

Ito ay matapos na pagaanin ang quarantine restrictions sa Clark at mas marami nang mga empleyado ng kumpanya ang nakapasok sa trabaho.

Ayon sa Clark Development Corporation, kailangan pa ng aabot sa 80 factory workers ng kumpanya para maabot nito ang target na 300 workers.

Ang face masks na nililikha ng kumpanya ay ginagamitan ng non-woven fabric at ear-looped raw materials.

Ipinakakalat ito sa iba’t ibang pagamutan sa bansa at mga pharmaceutical firms.

 

 

 

Read more...