Global death toll sa COVID-19 mahigit 507,000 na

Sumampa na sa mahigit 507,000 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa magdamag, ay nakapagtala ng mahigit 3,000 pang panibagong nasawi.

Sa huling datos, ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo ay 507,515 na.

Pinakamaraming naitalang nasawi pa rin sa US na umabot na sa mahigit 128,700.

Narito naman ang iba pang mga bansa na nakapagtala ng mataas na bilang ng nasawi:

Brazil – 58,385
UK – 43,575
Italy – 34,744
France – 29,813
Spain – 28,346
Mexico – 26,648
India – 16,904
Iran – 10,670

Sumampa naman na sa mahigit 5.6 million ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa 4.2 million pa ang aktibong kaso.

 

 

Read more...