Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 2,422

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (June 29, 3:00 PM) nakapagtala ng 43 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,422 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 603
Laguna – 738
Batangas – 311
Rizal – 635
Quezon – 155

Nasa 1,254 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 13 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 236
Laguna – 397
Batangas – 196
Rizal – 298
Quezon – 127

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nanatili sa 194.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 40
Laguna – 42
Batangas – 30
Rizal – 71
Quezon – 11

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

Read more...