COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 946 na

Pumalo na sa 946 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Lunes ng hapon (June 29), 30 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa 946, 209 ang aktibong kaso.

148 ang itinuturing na probable cases habang 845 ang suspected cases kung saan 3,580 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 14 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 672 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nananatili naman sa 65 na residente ng Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...