246,102 estudyante, nakapag-enroll na sa mga pampublikong paaralan sa Maynila

Nakapag-enroll na ang kabuuang 246,102 estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa Manila Public Information Office, batay s datos ng Division of City School (DCS) Manila hanggang sa araw ng Linggo, June 28, 154,004 ang nakapag-enroll sa elementarya; 81,588 sa Junior High School; habang 10,510 naman sa Senior High School.

Sinabi pa ng DCS-Manila na nasa 4,659 estudyante ang lumipat sa mga pampublikong paaralan mula sa mga pribadong paaralan.

Ayon kay DCS-Manila Information Officer Aaron Tolentino, posible nilang maabot ang target enrollees na 268,972 hanggang sa June 30.

Kadalasan kasi aniyang dumadagsa ang mga nag-e-enroll sa huling araw ng enrollment.

Dahil dito, sinabi ni Tolentino na naghahanda na ang mga guro para sa huling dalawang araw ng enrollment.

Sa June 30 nakatakda ang huling araw ng enrollment.

Read more...