Kaso ng COVID-19 sa Marikina City, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Marikina City.

Sa datos hanggang 3:00, Lunes ng hapon, June 29, umabot na sa 354 ang mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 155 ang aktibong kaso.

Pinakamaraming aktibong kaso ng pandemya sa Barangay Malanday na may 21 active cases.

nasa 167 residente na ang naka-recover o gumaling na sa sakit sa lungsod.

Nasa 32 naman ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...