183 Pinoy mula Thailand, nakauwi na ng Pilipinas

Nakabalik na ng Pilipinas ang 183 Filipino mula sa Phuket, Thailand.

Sinalubong ang mga Pinoy, kabilang ang tatlong sanggol, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), araw ng Lunes (June 29).

Pinangasiwaan ng Philippine Embassy sa Bangkok ang repatriation ng mga overseas Filipino.

Karamihan sa Filipino repatriates ay nagtrabaho sa hotel, resort at restaurant southern tourism center ng Kingdom na apektado ng COVID-19 pandemic.

Kasama ring naiuwi ang na-cremate na labi ng dalawang OFW.

Sa kabuuan, umabot na sa 734 ang napauwing Filipino repatriates mula sa Thailand simula noong April 2020.

Read more...