Ayon sa senador sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program, pauuwiin sa probinsiya ang mga Filipino at sila ay bibigyang tulong pangkabuhayan at trabaho.
Aniya ang long term plan naman ng naturang programa ay paplanuhin ang probinsyang uuwian nila bago bibigyan ng insentibo ang mga negosyo para doon na mamuhunan at makalikha ng mga bagong trabaho sa mga benepisaryo ng Balik Probinsiya.
Pansamantalang sinuspinde naman ang programa para bigyan daan ang Hatid Tulong Program para naman sa mga locally stranded individuals o LSI’s.
“Sa kasalukuyan, suspendido po ito (BP2). Dahil inatasan ni Pangulong Duterte ang gobyerno na iuwi muna ang mga stranded tulad ng OFWs. Ayaw naman nating mag-mix itong dalawa,” paliwanag ni Go.
Paglilinaw pa nito na magpapatuloy lang ang BP2 Program kapag handa na ang LGU’s na tatanggap ng mga benipesaryo aniya, “”abalikan po natin ito kapag pwede nang mag-rollout at maaasikaso na ng LGUs ang lahat (ng nais bumalik).”