Ayon kay MMDA Chairman Danny Lim, ang mga ilaw ay dagdag gabay sa mga motorista.
“Seven out of ten units of 300mm yellow flashing lights have been placed in strategic locations on Edsa for additional road guidance for motorists,” sabi ni Lim.
Sa northbound lane ay may yellow flashing lights sa tapat ng MMDA building at bago sumapit ang Shaw Boulevard underpass.
Sa southbound lane naman ay bago ang Cubao underpass, bago sumapit sa Santolan-MRT Station; bago ang Shaw Boulevard-MRT Station split road; bago sa Guadalupe-MRT station; at sa harap ng San Carlos Seminary.
Aniya, pinag-aaralan pa nila kung saan ilalagay ang tatlo pang flashing lights.
Bukod sa flashing lights, naglagay din ng anim na unit ng bollards yellow flashing lights sa Kalayaan at Pioneer.
Gayundin sa southbound portion ng EDSA: Scout Borromeo; pagkalagpas ng Santolan-MRT station; pagkalagpas ng Ortigas MRT station; at pagkalagpas ng Guadalupe station.
Una nang naglagay ang MMDA ng concrete barriers sa pinaka-kaliwang linya ng dalawang panig ng EDSA at itinalaga itong bus lane.