Ayon kay Tulfo, sa DepEd na mismo nanggaling na 15 milyong estudyante pa lang ang nakapag-enroll hanggang nitong June 27.
Malayo aniya ito sa lampas 27 milyomg dami ng estudyante sa nakaraang school year.
Nababahala ang kongresista na kung tatapusin na agad ng DepEd ang enrollment sa Martes, June 30 ay milyun-milyong bata ang mag-drop out o mahihinto sa pag-aaral sa darating na pasukan.
Hindi pa aniya kasama rito ang milyong iba pa na baka tumigil rin sa pag-aaral dahil naman sa kawalan ng trabaho at kabuhayan ng pamilya.
Kaya naman ang panawagan ng mambabatas sa Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM), gawing prayoridad ang pagpondo sa DepEd, CHED, at TESDA.