Mga guro dapat bigyan ng internet allowance

Congress photo

Pinabibigyan ni ACT Teachers Rep. France Castro ng P1,500 na buwanang internet allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan.

Inihain ni Castro ang House Bill 7034 o Internet Allowance for Public School Teachers Act kaugnay ng blended learning program ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa kongresista, mapa-distance o online learning ay kakailanganin ng mga guro ang internet connections para sa kanilang trainings, online classes at iba pang gawain.

Sa liit aniya ng sahod ng mga ito, dapat namang bigyan sila ng gobyerno ng kinakailangang tools at gadgets para magampanan ang kanilang tungkulin sa bagong paraan ng pagtuturo.

Iginiit ng mambabatas na hindi kakasya ang taunang chalk allowance ng mga guro para sa stable connection na tatagal ng isang buong school year.

Kaya naman malaking tulong aniya kung mabibigyan sila ng P1,500 na internet allowance kada buwan para hindi na nila problemahin ang ganitong gastos.

Read more...