BREAKING: Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 36,438; Halos 1,000 ang nadagdag sa magdamag

Photo grab from DOH Facebook video

Nadagdagan pa nang halos 1,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (June 29), umabot na sa 36,438 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 985 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 643 ang “fresh cases” habang 342 ang “late cases.”

Nasa 11 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,255 na.

Ayon pa sa DOH, 270 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 9,956 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...