Cortes, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Cortes, Surigao del Sur Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layongk 24 kilometers Southeast ng Cortes bandang 2:52 ng hapon.

May lalim ang lindol na 21 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na intensities matapos ang pagyanig.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks bunsod ng lindol.

Read more...