Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 202 na kaso hanggang 12:00, Lunes ng tanghali (June 29).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
“Based on our investigations so far, there are six cases in the community, of whom four are Singaporeans and two are Work Pass Holders,” ayon pa sa Ministry of Health ng naturang bansa.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 43,661 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
MOST READ
LATEST STORIES