Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng student driver’s permits epektibo mula sa July 1.
Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, simula din sa August 3 ang mga kukuha ng student’s permit ay dapat sumailalim na sa 15-hour theoretical driving course.
Ibig sabihin, required nang sumailalim muna sa driving course bago maisyuhan ng student permit.
Sinabi ni Galvante na nakatakadang maglabas ng regulasyon hinggil dito ang LTO.
MOST READ
LATEST STORIES