Kaso ng COVID-19 sa QC mahigit 3,200 na

Umabot na sa 3,255 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Batay sa datos, sa nasabing bilang, 3,177 ang kumpirmado ng Department of Health at mayroong kumpletong address.

Umabot naman sa 3,145 ang kumpirmado ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU).

Mayroon namang 1,884 nang naka-recover sa COVID-19 sa lungsod at 1,032 pa ang aktibong kaso.

Habang umabot na sa 229 ang bilang ng mga nasawi.

 

 

 

Read more...