Ito ay para mabilis na nakabangon ang ekonomiya ng mga bansa sa asean sa gitna nang kinakaharap na pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi lang mas maagndang supply chain ang mabubuuo kundi mas mapabibilos pa ang pag-recover sa ekonomiya kung kapit bisig at magkakaisa ang ASEAN countries sa pagbangon.
May mga tratado rin aniya ang ASEAN countries para sa mga manggagawa na isa sa mga magiging sandalan ng ekonomiya.
Inilunsad na rin aniya ng ASEAN ang ASEAN COVID-19 Fund kung saan ang pangunahing layunin nito ay labanan ang COVID-19.
Nagkaroon din ng consensus ang ASEAN Head of State na dapat magkaisa sa paghanap o pag-develop ng vaccine para masiguro na hindi lang ang mayayamang bansa ang makikinabang kundi ang lahat.