Presyo ng produktong petrolyo muling tataas ngayong linggo

May dagdag muli sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtaya, aabot sa 40 hanggang 50 centavos kada litro ang madaragdag sa presyo ng gasolina.

20 hanggang 30 centavos naman ang posibleng dagdag sa kada litro ng diesel at kerosone.

Simula noong May 5 ay sunud-sunod na linggo nang may pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Umabot na sa mahigit P9.00 ang nadagdag sa bawat litro ng gasolina, mahigit P5 sa presyo ng bawat litro ng diesel at P8 sa presyo ng kerosene.

 

 

Read more...