Ayon sa Phivolcs unang naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 90 kilometers northeast ng bayan ng Baganga, alas-12:19 madaling araw ng Lunes (June 29) at may lalim na 1 kilometer.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.2 na lindol sa 72 kilometers northeast ng bayan pa rin ng Baganga, ala-1:53 ng madaling araw at may lalim din na 1 kilometer.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES